Tulong

 

May nakapagsabi sa akin na kung mayaman lang daw siya ay may kakayahan syang makatulong sa iba. 

Oo tama naman, kung mayaman ka mas makakatulong ka sa iba, malaki yung maiaambag mo. Malaki ang maibibigay mo.

 Ngunit mali ang konotasyon na mayaman lang ang may kakayahang tumulong. Ikaw, ako pobreng tao may kakayahang magpaabot ng tulong sa iba. 

May nakita kang piso sa bulsa ng pantalon mo. Itinabi mo. May nakita ka na 5 piso sa ibabaw ng tokador. Itinabi mo. Inabutan ka ng iyong ina ng 10 piso. Itinabi mo.

 Ngayong may labing- anim na piso ka na. Maliit na halaga para sa iyo pero pag napagsama-sama ay magiging isang makabuluhang halaga. Oo nga naman maari mo namang ibili ng pagkain o kaya itabi at iimpok ngunit ang perang iyong ibinahagi sa iba ay isang paraan para mag-impok rin. Saan? 

Alam mo na yun. 

Comments