Sentimyento ng isang Simpleng Tao na nais ng Pagbabago


Itong picture na ito ay mula sa isang clip mula sa palabas na Enola Holmes. Nakita ko ito sa fb kung saan may pahayag rin na nilagay ang author ng isang post at doon ako nakakuha ng ideya upang mas mapalawig pa yung ideya na nais kong ipaintindi sa ibang tao.


Sabi sa isang comment dun sa post "Politics is not the only way to change the world" Tama naman nga pero still one of the ways. Eto na nga di mo kaylangan maging superhero para mabago ang mundo . Sa isang boto mo makakacreate ka ng impact sa mundong ginagalawan mo. Ayaw mo bang subukan? Ayaw mo bang baguhin ang mundong meron ka? Nararapat lang na pipili tayo ng lider na tama at magbibigay ng totoong serbisyo hindi man agaran pero alam mong magbabago for the better. 

Sa totoo lang, hindi natin kayang laging magbigay ng tulong sa iba, hindi natin kaya na laging maging mabuti lalo na pinansyal kasi tayo bilang tao ay may sariling pangangailangan. Di natin kayang unahin ang iba kasi kaylangan nating unahin nag ating sarili. Ang isang boto natin ay isang paraan ng pagkalinga natin sa iba. That one vote can make or break us. Kaya para sa mga apolitical na iniisip nila na ang pagboto nila ay isang karapatan lamang na dapat iexercise at sa mga taong ginagawang biro ang eleksyon na ito. Mag-isip kayo. 

Maaaring ang sa tingin nyo hindi kayo apektado at isang phase lang ito pero nagkakamali kayo. 6 na taon ng buhay mo ang maaaring maapektuhan at magbago at pati na rin ng kapwa mo. Ang nais ko lang ngayon ay mag-isip ka. Magnilay at magdasal at sana maisip mo na ang pagboto ay di lamang pagdutdut sa isang papel kundi may nakaatang na responsibilidad. 

Yun lang. Sana maliwanagan ka.


 

Comments