MGA SALITANG BATANGUEÑO AT HALIMBAWA SA PANGUNGUSAP
Batangueño ang tawag sa mga taong naninirahan sa Batangas, isang probinsya sa Calabarzon. Tagalog ang pinakapangunahing gamit sa pananalita rito ngunit tulad ng ibang probinsya meron ding isang diyalekto na sa lugar na ito mo lamang maririnig. Tila kakaiba ito at ang punto nito ay iba rin sa ating nakasanayan. Kung di ka Batangueno, ay halina at basahin ang mga ito upang maging pamilyar sa salitang ito at kung ikaw naman ay Batangueno ay wag na magpatumpik tumpik pa at ituloy na ang pagbabasa dahil magiging masaya ito. Ala eh! Parine na!
1. aguha- malaking karayom
Ginamit ni inay ang aguha sa pagtatahi ng payong.
2.alapaap- ulap
Tila ako ay nasa alapaap pag kasama ko sya.
3.albor/arbor
Arburin ko na yang bag ang ganda kasi eh
4. alboroto-magtampo/maglupasay/umiyak
Nag-alboroto ang bata nung hindi nabilhan ng kendi.
5. alibadbad/alibarbar- asiwa
Lumayo ka nga naaalibadbadan ako sa iyo.
6. alpas- nakawala
Mag-ingat ka alpas ang mga aso sa kabilang kanto.
7. amos- dumi sa mukha
Bago ka umalis tanggalin mo muna yang amos mo sa mukha.
8.ampiyas- bahagyang nababasa ng tubig ulan
Saraduhan mo ang bintana at naampiyas na.
9. anlaw- banlaw
Anlawan mo na yung mga nilabhan ko dun sa likod.
10. are- ito
Are ga yung tinutukoy mo? Ang ganda.
11. arilyos- hikaw
Ang ganda ng kulay ng arilyos ko.
12. aserol- piko
Kunin mo nga yung aserol at may bubungkalin ako sa likod bahay.
13. abuhan/tungko- lutuan
Linisan mo nga yung abuhan at magluluto ako.
14. awas- apaw
Bawasan mo yung tubig at awas na.
15. babag -away
Palaging babag ang magkapatid kapag tungkol sa pagkain.
16. babarik- iinom ng alak
-Maagang umalis si tatay ng bahay tiyak babarik na naman iyon sa kahanggan.
17.babaysot- babae
-Ang ganda talaga ng babaysot na yan.
18.bahaw- malamig na kanin
Pagkakauwi ng bahay, kinakain agad ni Ben ang tirang bahaw.
19.bahite- walang pera
Bahite ngayon ang inay kaya mainit ang kanyang ulo.
20.bala-bala- kunwari
Bala-bala lang pala yung relasyon namin.
21. balakatak- taong salita ng salita, taong maingay
Kilala si Aling Auring bilang balakatak sa kanilang lugar.
22.balatong- munggo
Ang paborito kong luto ng balatong ay ginataan
23. banas- maalinsangan/mainit
Grabe ang banas lalo na sa panahon ngayon.
24 bang-aw- ulol
Wala na yata sa tamang katinuan si Fred. Bang-aw na ata siya.
25. banggerahan-lababo
Ang dami na namang gamit na plato sa banggerahan.
26. bangi- ihaw
Mahilig ang pamilya namin sa pagkain na bangi.
27. bangkito- maliit na upuan
Pakikuha ng bangkito, utoy maglalaba lang ako.
28. bargas- masama ang ugali
May pagkabargas si Anne kaya walang gustong makipagkaibigan sa kanya.
29 barik-inom
Mahilig magbarik ang tatay ni Gina.
30. basin-arinola
Dun ka muna umihi sa basin.
31. basaysay-bahay
Medyo luma na ang basaysay namin.
32. batalan-kusina/working area in the kitchen
Napapanatili ni Aling Norma na malinis ang batalan.
33. batingaw- kampana
Tumutunog na ang batingaw ng simbahan. Hudyat na ng misa.
34. baysanan- kasalan
Naging magarbo ang baysanan nina Ellen at Ben.
35.bigtal-pilas/putol
Nabigtal yung tali ng duyan kaya ito nasira.
36. bilot- tuta
Nakakatuwa tingnan ang mga bilot.
37. bislad- inihaw na isda o tinuyo
Masarap kainin ang bislad na isda.
38. Bitiwi- bitawan
Bitiwi mo nga muna yung dala mo. Ngalay ka na.
39. biyuot- nalukot
Biniyuot niya ang mga mali niyang drawing.
40. botogs- gagamba
Wiling-wili ang mga bata na manghuli ng botogs.
41. bualaw- binatog
Bualaw ang pinakapaborito kong meryenda.
42. Bugnot- asar
Bugnot na naman sya sa akin.
43. bukayo- minatamis at pinatigas na laman ng niyog.
Masarap talaga na panghimagas ang bukayo.
44. buksi- buksan mo
Buksi na yan ng makita ang nilalaman ng kahon.
45. bunite - tinapay na bilog parang monay
Ang sarap kumain ng bunite at isasawsaw sa kape.
46. burabo-makapal na pulbo sa mukha
Lumabas na siya ng bahay kahit burabo pa.
47.buraot- madamot
Talagang buraot yang si Elise. Di yan namimigay ng pagkain.
48. burat- bukas/sira
Burat na naman yung paborito kong short.
49. butangera- nagger
Kilala si Lea bilang butangera at palaaway sa kanyang kasintahan.
50. buyon- malaking tiyan
Dahil sa kanyang buyon naisipin ni Diday mag-ehersisyo.
May kasundo pa are! Intay ka lang. Hehe
Ano sa Batangas ang maganda?
ReplyDeleteAno po ang "maingat" at "mangloloko" sa salita ng batangas?
ReplyDelete