Marupok

 Marupok

Sabi nila marupok daw ako Patuloy akong bumabalik dun sa tao Na walang ibang ginawa kundi saktan ako Mahal kasi kita yun lang sabi ko Sabi nila ang martir ko daw Tinatanggap kita kahit may kaagaw Hinintay kitang bumalik umulan man o umaraw Isisigaw iyong pangalan kahit akoy mapagaw Sabi nila ako raw ay tanga Hindi nag-iisip at isang gaga Bakit mo nga naman babalikan ang isang tao Na walang ibang ginawa kundi saktan ka ng todo? Pero may isang bagay na hindi alam ang iba Na tayo lamang ang nakakakita Hindi nila alam kung paano mo ako tinulungan Mahalin ang sarili ko ng walang pag-aalinlangan Yung saya natin dati sana ay maibalik Hinahanap ko na ang iyong yakap at halik Naniniwala ako na sana ika'y magbago Kasi mahal pa rin kita ng todo Pero katulad ng iba tayo'y napapagod Yung puso at sistema ko'y tila inuuod Napapagod maghintay sa iyong pagbabalik Kasi di ba nga baka pag-ibig natin di rin manumbalik Di ko alam pero ako'y natauhan Tinanggap ang lahat dahil wala na ngang hahantungan Itong pag-iibigan ako na lang lumalaban Habang ikaw ayun may iba nang kaakbayan Pero gayunpaman salamat sa lahat Tinanggap mo ako, ako man ay salat Salamat sa lahat ng tinuro mo Salamat kahit minsan naramdaman kong mahalin ng todo Katulad nga ng tinuro at sinabi mo Na dapat nga lagi kong mahalin ang sarili ko At yun nga ang gagawin ko Sisimulan ko yun sa paglayo sayo. Siguro ito nga yung oras Para sa maling relasyon ako ay kumalas Tulungan mahalin ang sarili Sa desisyon na ito wala akong pagsisisi Hiling ko lang sayo nawa'y lagi kang masaya Kasi wala na akong nais pang iba Tulungan mong magbago yang sarili mo At wag pairalin ang pagiging gago. Sa susunod siguro na magmamahal ako Ako muna ang uunahin ko Kasi walang unang magmamahal sa akin ng todo Kundi ko tanggap yung sarili ko.

Comments