Ang saranggola ay parang ako
Mataas, matayog, makulay
Hindi literal pero parang pangarap ko
Aabutin kataas taasan makamit lang ito.
Gaano kataas di mapapagod
Gaano katayog, di pa kakabog
Pipilitin na ang langit na simple
Ay bibigyang kulay ng aking diskarte
Sasabay sa agos ngunit di
Papadala sa malakas na hampas ng hangin
Sasayaw kasama ang mga ibon sa himpapawid
Magsasaya sa pagtanaw sa magagandang bagay
At mga alaala
Kung bakit nga ba ako narito
Nangangarap na marating ang tuktok na ito
Di hahayaang mapatid at malagot ang pisi
Mananatiling magaan at hindi magpapadala
Sa bigat na nadarama
Mananatiling konektado sa kung sinong humahawak
Kumokontrol ng buhay kong ito
Mananatiling malapit at sa Diyos kakapit.
Darating din ang araw na ang saranggola ay magiging parang ako
Titingalain, tatanawin at tao ay mamangha
Alam kong di matatagal mangyayari din ito.
Tiwala lang. Laban lang.
Kaya ikaw maniwala ka rin balang araw magiging isa kang saranggola, matayog na saranggola. π
Comments
Post a Comment