Yung pinaglaruan ka na ng tadhana, nakipaglaro ka pa.
Yung inapakan kana, nagpayurak ka pa.
Naloko ka na, nagpaloko ka pa lalo
Sinampal ka na sa kanan, ibinigay mo pang kaliwa
Binato ka na, inabutan mo pa ng tinapay
Minura ka na, nagthankyou ka pa
Isipin ko na lang siguro na masyado kang mabait
Para less sakit
Na kahit anong ibigay sayo ng mundo
Hindi ka gaganti kasi alam mo masama
Na kahit may “armor” ka di ka lalaban
At hindi ipagtatanggol ang iyong sarili
Sasaluhin mo lang lahat
Hanggang sa mapuno ka
Kasi naniniwala ka na may magandang mangyayari
Yun ang prinsipyo mo eh
Pero teka ipaalala ko lang
Di ka nag-iisa
Andito kami oh, pinakinggan mo sana
Hinayaan mong tulungan kang lumaban
Hindi iyong isinantabi at hindi pinakinggan
Mas naging okay sana lahat
Naging masakit pero di ganun kahapdi
Napigilan sana lahat ng anumang mangyari
Pero hayaan mo na andyan na yan
Bumuo na lang tayo ng magandang alaala
Sana lang may pagbabago, sayo
Kasi naging malungkot at masakit man
Sa huli ay mapapawi ang lahat
Kasi di ba nga pagtapos ng unos
Isang bahaghari ang matatanaw sa dulo
Masakit man kakayanin ito
At pangako, lahat gagawin
Hindi para bumawi at gumanti
Upang mas manatiling mabuti
At gagawin ang lahat para buhay ay umigi
Siguro nga mabuti na rin ito
Dahil hindi naman mangyayari ang lahat
kung hindi ayon sa plano
Matatapos din lahat ng sakit
Kaya ito. Kakayanin ito.
Comments
Post a Comment