LOKO MOKO U

 Nung una kitang makilala 

Di ko inasahan

Sa online dating tayo nagkamabutihan

Walang intensyon na maghanap ng kapareha

Nais ko lang sana ay kausap at kasama


Noong araw na yun bored talaga ako

Hirap makatulog kahit anong pwesto

Kaya naisipan kunin ang telepono

Magscroll lang sana pero napunta ako

sa isang app na hindi ko kabisado


Omegle nga ang pangalan

Nang app na aking napagdiskitahan

Narinig ko na ito dati palang

Pero walang intensyon na ito'y subukan

Ngunit ngayon, dala ng kuriosidad, pinilit buksan


Hi! ang sabi nung nasa kabilang linya

Ako'y kinabahan ngunit patuloy pa rin naman

Sa pagpapalitan ng mensahe, ako'y natuwa

Di man kita kilala at nakikita 

Ramdam ko ang saya ng ating paghuhuntahan


Andami mo nang naikwento

Pamilya, school, pati na aso mo

Di namalayan na umaga na, alas-kwatro 

Dahil magaan ka kausap kaya nawala sa isip ko 

At pati pagtulog nakaligtaan ko


Hindi pa natapos ang usapan natin

Dun sa app na nagtagpo sa atin

Dahil hiningi mo rin ang iba kong account

At doon tinuloy ang ating usapan

Ramdam ko ako'y naattach na sayo ng tuluyan


Mga sweet na mensahe iyong pinadala

Kaya naman ako'y dalang-dala

Nag I love you ka, sinagot naman kita

Ngunit di ko alam kung tayo na ba

Ang alam ko lang ako ay masaya


Nanatili tayo sa set-up na ganto

Ang online ang ating romantikong mundo

Kung saan din tayo pinagtapo

At tinuloy ang pag-iibigan na ito

 Sana nga pangmatagalan ito


Ngunit isang araw ako'y nagtaka

Hindi ka na katulad nung una kong nakilala

Pakiramdam ko ika'y nagbago

Di ko masabi sa iyo ito

Kasi baka biglang iwan mo ako


Ngunit totoo nga ang nangyari

Nakipaghiwalay ka at di ko mawari

Anong nagawa ko at ginanito mo

Wala kang masabi na anumang dahilan

At iniwan mo na lang ako ng tuluyan


Di na kita mahanap online 

Sa lugar kung saan kita unang nakilala

Napaisip tuloy ako totoo ka ba talaga

Yung account, yung feelings, totoo ba?

Pakiusap, ipaliwanag mo, punyeta ka


Pero hindi na ako umasa

Ano bang pinaglalaban ko, eh wala talaga

Sa online lang naman kita nakilala

Kung gaano kabilis naging tayo

Ganun din kabilis ng iwan mo ako


Ay oo nga pala walang tayo

Walang label, pero nag-I love you han tayo

 Ang saya naman pinaasa mo ako

Ako naman si gaga sakay na sakay sa padali mo

Nawa'y kagatin ka ng aso sa kanto


Di ko alam kung ako ba ay nascam

Di pera, pero feelings ko ang kinamkam

Ang sakit lang na ako'y nagpaloko

Sa mga padali mong todong-todo

Wish ko lang sana magbago kang totoo


Siguro nga ganto ang mangyayari

 Aywan ba ga, di alam kung tunay nga are

Sa online lang naman kasi nangyari lahat

Walang pag-aaalinlangan, buhay ko sa iyo ay isiniwalat

Ngunit sa huli ay iniwang parang kalat


Kung gaano kabilis sa FB mag-scroll

Ganun din kabilis, nakalimot ka, tol

Oo na, sige na tanggap ko na

Ako itong umasa at naniwala sa iyong mga salita

Ano ngayon, ako itong hindi makapagsalita


Ngayon, alam nyo na ang aking kwento

Sa mundo ng online wag papaloko

Pagkat madaming  mapagpanggap sa mundo

Pati feelings na ininvest mo, babalewalain ng todo

Ang sakit naman nun, boy, gusto ko lang naman ng love mo


Pero kahit ganun, ako pa rin ay naniniwala

 Na sa mundong ito sa akin ay may nakatadhana

Hindi siguro sya matatagpuan kung saan

Sa online, sa dating app o kung saan man

Huwag ko na lang sigurong pangunahan, 


Naniniwala akong darating sya ng di ko inaasahan. 



Comments