Payong

 

Huwebes ngayon.

Medyo makulimlim ang paligid at nagbabadya ang malakas na ulan. Kalalabas ko lang ng school at naglalakad para makauwi na ayokong abutan ng ulan. Tumingin ako sa relo ko. Pasado alas singko na ng hapon. Kalalabas ko lang ng school at matik sa sakit ang ulo ko. Paano ba naman prelims namin at ang huling subject ay Math. Ang lala. Haysss goodluck talaga sa result ng exam ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at tumigil sa dati kong pwesto. Pwesto kung saan katulad ko ay may pailan-ilan ding nag-aabang ng dyip pauwi. Eto talaga ang hirap sa pagiging commuter ang mag-intay ng masasakyan lalo pa at rush hour na.

Maya-maya pa unti-unti nang dumami ang tao sa paligid kasabay ang pagbagsak ng mga patak ng ulan.

Dali-dali kong kinuha ang payong ko mula sa bag ko at binuksan ito. Maya-maya pa nga ay lumakas na ang ulan at nagbabadya ito na paghirap lalo ng pagsakay sa jeep.

Tumingin ako sa paligid at may nakita akong mga tao na nagpatila muna sa harapan ng mga store na sarado. Yung iba kagaya ko nasa tabi ng kalsada nag-aabang ng jeep na kung dumaan man puno na. Aabutin na naman ako ng ilang oras dito.

Habang nag-aabang, naalala ko na naman ang mga sagot ko sa Math. Halos nablangko ako sa hirap ng mga tanong pero pinilit ko parin sagutan. Pasang-awa lang ay napakaayos na sa akin. Happy na ako dun. Dahil sa pag-iisip ko sa exams ko, di ko na pansin na may sumukob na pala sa payong ko.

"Ay kalabaw" sambit ko at halos maitapon ko yung payong sa kalsada dahil sa gulat buti nahawakan nya at inabot nya sa akin.

Ngayon ay magkadikit kami at ramdam ko yung basang uniporme nya sa braso ko.

 "Sorry, miss wala lang talaga ako masukuban. Promise di ako masamang tao." tapos ngumiti sya with promise sign pa.

"Sige, kuya okay lang" ngibit na sabi sa kanya.

Pero sa loob loob ko kinikilig na ako. Don't get me wrong ha. Di ako harot or what e kasi naman yung katabi ko ngayon is yung crush ko. Oo crush ko itong katabi ko. Lagi ko syang nakikita dito sa sakayan ng jeep dito. Nagkakatabi at nakakasabay sa jeep. Ang cute kasi nya, chinito, matangkad, sa unang kita crush mo na agad. tapos kita ko pa sa lanyard ng id nya, engineer, di ba nakakaturn-on. Di ko alam pangalan nya pero basta cursh ko sya. Para-paraan ba si kuya o takot lang mabasa nang ulan? As long as wala syang ginagawang masama hayaan na. Mukha namang matino tsaka di ba sabi ko crush ko so pabor din sa akin hehe 

Tapos ito nga nagkamoment pa kami para kaming bida sa isang kdrama haha kilig. Ang bango pa nya kahit hapon na.

"Ako na hahawak, para di ka na mahirapan". Ngumiti lang ako.

Kakilig naman. Nanatili kaming magkasukob sa iisang payong. Para tuloy kaming magjowa. Ang lapit namin sa isa't-isa. Nakatingin lang sya sa mga jeep na paparating samantalang ako nakatingin sa kanya. Char. Di ako papahalata no' sulyap sulyap lang ako sa kanya.

 "Hirap talaga sumakay dito, noh?" sabi nya.

Tumango lang ako. Syempre wag ka papahalata kunyari wala kang pake para hindi mukhang easy to get.

 end of convo

 Maya maya pa humina na ang ulan at kumakaunti na ang mga tao. May tumigil naman na jeep sa harap namin at nakasakay agad kami. Magkatabi kami sa upuan at nag-insist sya na sya na magbayad ng pamasahe. Pumayag na ako.

"Ay sorry, di pala ako nakapagpakilala medyo busy mag-antay ng jeep eh. Jerome nga pala." Nilahad nya yung kamay nya ng bahagya kasi medyo siksikan sa jeep.

"Joy nga pala" Tinanggap ko naman yung kamay nya then ngumiti sya.

 Mabilis lang yun kasi diba nakakahiya buti na lang medyo madilim kasi gabi na at hindi ng mapapansin yung pamumula ng mukha ko dahil sa kilig.

Medyo traffic kaya para maalis ang boredom nagkwentuhan kami ng kung ano-ano about life, studies, family kulang na lang pati future namin. Char. Ang pinakatumatak sa akin ay wala pa daw syang girlfriend. Napag-alaman ko din na una akong bababa ng jeep kaysa sa kanya. Sad naman. char

“Uhm, malapit na ako sa kanto" sabi ko sa kanya.

"Ah ganun ba, thank you ulit sa pagpapasukob mo ah". ngumiti na naman sya.

 "Kuya, para po" sabi ko kay Manong drayber.

"Sige, una na ako Jerome, ingat ka" sabi ko sabay baba ng jeep

"Ikaw rin" rinig ko pang sabi nya bago ako makababa ng jeep.

Para naman akong timang na ewang nakangiti nung makababa ng jeep. Tumungo ako sa paradahan ng traysikel.

 "Ate san po tayo?" Tanong ng tricycle driver

"Otw sa puso mo" 

"Ha, ate?" Natauhan lang ako ng marealize ko kung anong sinabi ko. Yay! Nakakahiya.

"Hala, Kuya, sorry sa Villa Visitacion lang po ako."

"Hala si ineng, inlove" mapang-asar na sabi ni kuya bago sumakay ng motor nya.

 "Hala kuya, parang timang, tara na nga po" sabi ko kay kuya with matching hampas pa sa hangin.

Pumasok na rin ako sa loob ng tricycle. Para naman akong timang na abot tenga ang ngiti mula tricycle hanggang kwarto ko. Naaalala ko pa nung pumasok ako sa bahay.

"Oh, bakit ang ganda ng ngiti ng dalaga ko?" sabi ni papa

"Wala, papa" 

"Perfect ga ang exam?" 

Naalala ko na naman yung exam.

 "Naku, papa inlove yang si joyjoy ay oh kitang-kita" sabat ni kuya habang busy sa computer nya. Binato ko si kuya nang unan mula sa sofa

"Hindi kaya, oa mo kuya! Nakangiti inlove agad, di pwede may naalala lang"

Nagwalk-out na ako papunta sa kwarto kasi baka kung ano pang intrigahin ni kuya eh wala naman maniwala pa si papa pero tama naman sya ng slight. Hehe papunta palang sa inlove haha

Narinig ko pa na pinagsabihan ni papa si kuya kaya binelatan ko sya bago akong tuluyang umakyat ng kwarto.

 Ang saya ko lang.

****

Makalipas ang isang linggo lumabas ang result ng Math exam namin and luckily pasang-pasa ako kasi 10 mistakes lang ako. Hindi ko alam kung paano ko nagawa yun kasi lugaw na lugaw ako noong araw na yun pero alam ko lang masaya ako pumasa ako. Good news ito sa papa ko.

Nandito na ulit ako sa sakayan ng jeep. Palinga-linga lang ako sa mga taong narito. Ilang araw na rin ang nakalipas at hindi ko na muling nakita si Jerome. Tumitingin ako sa paligid baka masulyapan ko sya pero wala baka busy lang o nakauwi na o mamaya pa. Ewan.

Eto na naman tayo, rush hour na naman. Tumingin ako sa langit at nagbabadya na naman ng malakas na ulan.  Ang dilim ng langit. Mukhang malakas na ulan ito a'. May bagyo ba napapadalas na ang ulan eh, sabagay Agosto na kaya rainy season na talaga. Natanaw ko rin ang ibang establisyemento na nagsasara na kahit pasado alas kwatro pa lang. At hindi nga ako nagkamali unti-unti nang bumabagsak ang ambon.

Agad kong kinuha ang payong sa bag ko para hindi ako mabasa. Pagkapa ko sa bag ko wala yung payong ko. Hinalungkat ko pa pero wala talaga. Inaaalala ko kung naiwan ko ba sa bahay, sa school, kung kelan ko huling ginamit. Huli ko yung ginamit nung umulan noong nakaraang Huwebes at naiwan ko sa ilalim ng jeep noong pababa ako. Sana nakuha ni Jerome o kung hindi man eh di wala nay un.

Luminga linga pa ako saglit upang maghanap sana ng masisilungan ng sa di kalayuan nakita ko ang isang pamilyar na bagay, kagayang-kagaya ng payong ko. Hawak ito ng isang lalaki, si Jerome.

Hindi ako nag-atubiling lumapit sa kanya at sumukob katulad ng ginawa nya sa akin dati.

"Hey" sabi ko sabay tapik sa braso nya.

 Nagulat sya at hindi ko maintindihan yung ekspresyon sa mukha nya.

 "Hi---iiii" mautal-utal nyang sabi.

 "Hayss buti na lang nakuha mo yung pay---" napatingin naman ako sa likod ng may bahagyang tumapik sa likod ko.

"Sino ka?" tanong nung babae na may hawak na milk tea na mukhang bagong bili.

 Sasagot pa sana ako ng biglang nagsalita si Jerome.

 "Wala yan, babe di ko yan kilala. Nagtatanong lang ng direksyon. Parine ikaw babe, baka mabasa ka ng ulan."

Nilapit ni Jerome yung girlfriend nya sa kanya inakbayan pa ito na syang naging dahilan ng pagkatulak sa akin ng mahina palabas sa lilim ng payong ko.

 Tinaboy nya ako na parang di nya ako kilala at invisible sa paningin nila. Hindi ko alam kung anong palabas yung ginawa nya baka selosa yung gf nya pero pwede naman sabihing kaibigan diga?

Nababasa na ako ng ulan at unti-unti na itong lumalakas. Nakatingin lang ako sa kanila na parang ewan. Di ko alam ang gagawin para akong napako doon. Gusto kong maiyak kasi pakiramdam ko napahiya ako. Ano ba papatalo na lang ako? Hahayaan ko sila sumilong sa payong ko at ako ang mabasa? Naulinigan ko ang sarili ko at inisip ko kung anong dapat gawin.

Payong lang yun, ilalaban ko pa ba? I can buy plenty of that. Pero dahil hindi naman ako pinalaking talunan, might as well gumawa tayo ng paraan.

Pumunta ako sa harap nilang dalawa. Sweet-sweetan habang nagsasalo sa iisang straw ng milktea. Yuck! Kadiri kayo.

Nagsisisi akong naging crush ko itong kumag na ito. Ang sama ng ugali nya nagpaloko ako sa mga ngiti nya. Bwisit.

"Pwede ba miss, go away ka nga sa harap namin. Shoo shoo" sabi nung babaeng conyo na hitad akala mo maganda nadala lang naman ng braces at with gestures pa sya hindi bagay.

Tumingin ako kay Jerome at nakatingin lang sya sa akin na walang emosyon na parang hindi nya talaga ako kilala o baka hindi nya ako naaalala. Imposible.

"Pwede ba, gusto ko lang kunin ang sakin"

Kita ko naman na naningkit yung mata nung babae at mukhang ready na mawar freak ako pa tinakot nya.

"Sino yung bf ko?"

"Hindi Sino.... Ano!!! "

 "Yan lang namang payong na gamit nyo eh akin." May ilang tao na nakakapansin na may commotion sa pagitan namin.

"Totoo ba, babe?" tanong ni ate girl sa boyfriend nyang hilaw.

“Joy, pwede ba—“ sabi ni Jerome at sumingit naman ako.

‘See, kilala ako ng boyfriend mo” sabi ko at ang sinamaan naman nya ng tingin ang boyfriend nya. Humarap na ulit sya sa akin.

"Paano ka nakakasiguro na iyo ito pare-parehas lang naman ang ibang payong diba?" sabi ni Jerome Ang kapal ng mukha nya. Ako pa papalabasin nyang mali dito. Ang yabang. Pwes, kung may talo man dito di ako yun.

"Ang kapal din ng mukha mo ah Gusto mo nang pruweba, Pwes ito! " hinila ko mula sa kanila yung payong at pinakita ang tali na nakasulat ang buong pangalan ko sabay pakita ng id ko.

Gulat naman si hitad at tumingin sa bf nyang wala nang nasabi.

 "Oh, gusto nyo pa ng pruweba, I can give it to you. Kayo lang mapapahiya dito, magnanakaw, pero totoo nyan naawa rin naman ako sa inyo gusto ko sana ibigay sa inyo kasi you know kaya ko naman bumili ng madami nyan but still ayaw ko ibigay sa mga magnanakaw. Di deserve"

Magsasalita pa sana si Jerome pero inunahan ko na.

"May sasabihin ka pa o sisigaw ako. Kaya kong patunayan na kayo ang mali dito, sweetie" pinadaanan ko pa ng aking daliri ang baba ni Jerome at tumingin ng masama sa babaeng hitad.

Madami nang gustong makiusyoso pero tatapusin ko ang palabas na ito Hinawakan ko na ang tangkay ng payong at kinuha na ito ng tuluyan sa kanila. Tiniklop ko pa ito eh automatic yung payong yun libre sprinklers sila.

"Oops, sorry napatay ko!" sabay bukas ulit ng payong ko at tuluyan na akong nagwalk-out sa kanilang dalawa.

Iniwan ko sila doong parang ewan. Naglakad pa ako with poise para talagang ako ang panalo. Lumingon pa ako saglit at nakita ko sila na pinupunasan ang mga basang damit na useless din naman kasi basang sisiw na rin sila. Pinaghahampas pa ni Ate girl si Jerome at nag-aaway sila dun na parang ewan. Pinagtitinginan na rin sila ng ibang tao dun. Nag-grin pa ako saglit then tuluyang naglakad.

Nang makaliko na ako sa sunod na kanto, napasandal ako sa pader at napahawak sa dibdib ko. Grabe yung kaba ko. Ang intense nung nangyari pero buti kinaya ko. Nagstay pa ako dun saglit upang huminga at magpatila na din kasi malakas na talaga ang ulan.

Naalala ko na naman ang itsura nung dalawa siguro basang sisiw sila ngayon. Naaawa man ako pero mali kasi sila ng tinalo. Di ako papatalo.

 "uy, Joyjoy" tawag sa akin ng pamilyar na boses. Si Joshua kaibigan at kababata ko.

"Uy hi, Dos " bati ko sa kanya.

Ang palayaw talaga nito ay Josh. Eh nung bata ako bulol pa ako Dos ang naitatawag ko kaya ayun hanggang paglaki yun ang nickname ko sa kanya.

"Bakit andito ka?"

"Nagpapatila hehe"

"Uy na sa iyo pa pala itong payong na ito, akala ko nasira o nawala mo na." turo nya sa payong na nakabilad sa sahig na nasa tabi ko.

"Ah, eh, oo" napakamot ako sa ulo ko. 

Di mo alam kung anong sinuong ko makuha lang itong payong na ito. Pinaglaban ko ito dun sa dalawang hitad na yun. Naalala ko na, sya nga pala nagbigay sa akin nito kaya siguro ayaw ko ding ibigay na lang sa kanila ng basta ito kaya pinaglaban ko.

"First year HS pa yan eh. Christmas gift ko sayo. Alam mo ba limited edition yan, pinasadya ko pa yan sa daddy ko sa kilala nyang gumagawa ng payong kasi gusto kakaiba sya, walang katulad, parang ikaw tapos pag ginagamit mo ako maaalala mo. I can be your shelter during day and night sa pamamagitan ng payong na yan" nakangiti nyang sabi sa akin. Sincere at totoo nyang sabi sa akin.

Palagi akong binabanatan ng bestfriend ko na ito ng ganto pero I took for granted wala lang parang appreciation lang nya sakin at hindi ko iniisip na kung anuman yun kasi magkaibigan kami pero ngayon bakit parang kinilig ako. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko at yung paru-paro sa tiyan ko. Rinig ko ang bilis ng tibok ng puso.

Hanap ako ng hanap eh nasa harapan ko na pala. Nagpapasukob at nakikihati pa ako sa iba eh may tao naman na willing ibigay ang payong nila sa akin, ipapagamit sa akin ng buo ng walang kapalit.

Tumingin ako sa payong. "WORTH IT pala ang paglaban ko sayo." mahina kong sabi sabay tingin sa bestfriend ko.

 "Ha, ano yun, Joyjoy?"

 "Wala" nagmake-face lang sya sa sinabi ko. Ang cute lang.

"O, tara na sakayan ng jeep. Di na yan punuan.."

Napahinto ako bigla. "Ah---eh kain muna tayo nagutom ako bigla eh"

"Jabee" sabay pa naming sambit at nagtungo na nga kami sa pinakamalapit na Jollibee.

 Umalakbay pa ako sa kanya na ikinagulat nya.

Tumingin sya sa akin. Ngumiti kami sa isa't isa. Ang saya lang.

"Ay wait, yung payong" binalikan ko pa saglit then tiniklop ko na.

"Thank you, payong. Thank you making me realize something. You're the best." sambit ko habang nakangiti na para bang sasagot yung payong. Sumunod na muli ako kay Joshua. Mukhang kaylangan kong magkaroon ng bagong plano.

Ipaglaban yung namumuong feelings ko kay Dos gaya nang paglaban ko sa payong na regalo nya sakin at

Planong maghanap ng bagong pwedeng sakayan. Di na safe dun, daming magnanakaw.

-ejf

Comments