Pandemya-bang


"Ma, ano ba itong pinopost mo?" sabi ng Mang Domeng habang nagscroll sa kanyang cellphone sa kaliwang kamay at hawak naman ang kape sa kanan.

"Ah, Pa, wala yan paninda ko lang yan, tinuro kasi sa akin ni Baby yang online selling na yan eh na-enganyo ako." sagot ni Aling Cely na abala sa pag-aayos ng mga paninda nya sa kusina

"Online selling, online selling, wala kang mapapala dyan, konti lang tubo mo, tingnan mo wala ngang naglilike ng post mo, puro post mo pa nakikita ko sa newsfeed ko."

"Nagchachat naman sa akin ang mga costumer ko. Dun kami nagcommunicate."

"Sus, kahit pa itigil mo na yan. Lalabas ka pa eh may pandemya nga tayo." 

Nagkibit-balikat na lang sya sa sinabi ng asawa. Nasanay na rin siya sa ganoong ugali ng asawa nya mapang-usisa.

Maya-maya pa ay nakita ni Mang Domeng ang anak niyang si Ben nakamask at mukhang paalis ng bahay.

"Oh, pasaan ka?"

"May idedeliver lang, Pa."

"Huwag mong sabihing nag-oonline selling ka din?"

"Oo, Pa binenta ko po yung ilang mga libro at damit ko."

"Okay lang ibenta mo ang mga yun?"

"Oo, Pa nagamit ko naman na ang mga yun. Naisip ko na kaysa ginagabok at nakatambak lang sa bahay eh mapunta na lang sa iba."

"Isa ka pa, Ben gagaya ka pa sa nanay mo, o sya sige umalis ka na wag ka laang makakuha ng covid diyan ah." tuluyan na nga umalis si Ben at di pinansin ang sinabi ng ama. 

Napakamot na lang ng ulo si Mang Domeng naguguluhan sa nangyari sa bahay nila.

Poof

1 unread message from Diane

Binuksan ni Mang Domeng ang kanyang messenger at nakita ang message ng kanyang anak.

EXTRA INCOME?

Ayaw maglabas ng pera dahil baka scam?  O baka di mabawi?

I-message mo lang ako. 

Turuan kita. 

#Legit

#NoRegistrationFee

"Diane" malakas na sigaw ni Mang Domeng dahilan para lumabas sa kwarto ang panganay nyang anak na si Diane.

"Bakit tay?" sagot ni Diane na agad namang lumapit sa tatay nya.

"Ano itong pinasa mo?"

"Ah yan tay, extra income gusto mo tay tulungan kita."

"Anong extra income extra income, ka dyan? scam to no? Tsaka bakit pinasa mo pa sakin eh magkasama naman tayo sa bahay.?"

"Grabe ka, Tay hindi yan scam. Wait lang explain ko saiyo. Tsaka send to many yan di lang kayo pinasahan ko."

"Ayoko,  ayoko marinig yang sasabihin mo."

Nag-init na ang ulo ni Mang Domeng dahil sa ginagawa ng asawa at anak nya na di nya lubos maintindihan kung bakit.

"Alam nyo naguguluhan ako sa inyong mag-iina. Si Cely nag-oonline selling, si Ben nagbebenta din tapos ikaw Diane naggagarne? Di ko na ba kayo napapakain ng ayos. Di na ba sapat ang sahod ko para dumilehensya pa kayo ng iba?"

Lumapit na si Aling Cely at sumabat na sa usapan ng mag-ama.

"Di naman sa ganun, Pa gusto lang namin makatulong gaya ngayon nasa pandemya tayo mahirap ang buhay."

"Sa tingin nyo ba wala akong trabaho, pahinga lang kami ng isang linggo kasi may nagpositive sa site pero babalik operasyon din kami. Ano na lang sasabihin ng mga kaibigan ko? Na hinahayaan ko kayong magbenta ng kung anu-ano. Nakakahiya. Ikaw Diane, graduate ka pa naman ng kolehiyo bat hindi ka maghanap ng trabaho ha, kaysa kung anu-anong pinapasa mo dyan! Di kita pinag-aral para dyan."

"Pa, mahirap maghanap ng trabaho ngayon, gusto lang naman namin na makatulong." singhal ni Diane sa ama.

"Hindi rin tayo sigurado kung hanggang kelan ka may trabaho kasi madami ang nawawalan ng trabaho ngayon." dagdag pa ni Aling Cely.

"Hindi ako matatanggal sa trabaho 25 taon na ako sa serbisyo. Hindi nila gagawin yun. Ah, basta itigil nyo yang ginagawa nyo, ako ang kakayod at ako ang ama."

Matapos ang isang linggo mula ang komprontasyon na yun pinahinto ni Mang Domeng ang kanyang pamilya sa kanilang ginagawa ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay patuloy pa rin ang mga ito sa pag-oonline selling lalo at madalas itong nasa trabaho pag umaga at di nalalaman ang kanilang ginagawa.

Isang gabi, habang nanunuod ng balita si Mang Domeng isang balita ang gumimbal sa kanya.

Ang kumpanyang pinagtratrabahuhan ni Mang Domeng ay nagbawas ng trabahante.

Poof

Poof

Poof

sunod sunod na tunog mula sa messenger ni Mang Domeng.

Agad kinuha ni Mang Domeng ang kanyang cellphone upang tingnan ang mga message mula sa gc ng kanilang kumpanya at tumambad sa kanya ang listahan ng mga natanggal sa trabaho at sa kasamaang-palad naroon ang pangalan nya.

Halos manlumo sya sa kanyang nalaman. Hindi nya lubos maisip na sa tanda na niyang iyon ay mawawalan pa sya ng trabaho. Halos kalahati ng buhay nya ay ginugol sa pagtratrabaho sa kumpanya at ngayon wala na sobra siyang nalulungkot.

Iniisip nya ang mangyayari sa kanyang pamilya, may pandemya pa naman paano na sila?

Lumapit siya sa kanyang mag-anak na nasa kusina nag-iintay rin ng sagot mula sa kanya.

"Wala na akong trabaho." malungkot na sabi ni Mang Domeng sa kanyang pamilya.

"Pa, okay lang yan" sabi ni Aling Cely sabay tapik sa braso ng asawa.

"Paano na tayo ngayon? Mukhang magtatagal pa itong pandemya na ito dahil sa padami ang bilang ng kaso, paano na tayo sa araw-araw?"

Bumunot ng pera si Ben mula sa kanyang bulsa at inabot ito sa ama.

"Eto Pa, kinita ko ngayon mula sa mga libro at damit na binenta ko. Sana makatulong"

Nag-abot rin si Diane.

"Eto din Pa, komisyon ko sa mga nainvite ko. Kakukuha ko lang nyan kanina."

"Eto pa Pa, ang aking tubo sa pag-oonline selling. Sorry Pa ha, kasi kahit ayaw mo tinuloy pa rin namin."

Maluha-luha si Mang Domeng habang nakatingin sa kanyang palad na may pera. Hindi nya lubos maisip na yung mga bagay na tinutulan nya ay yun pang makakatulong sa kanila. Sobrang nahihiya sya sa nangyari.  Sobrang selfish din nya para isiping mali yung tulong na gustong ibigay ng pamilya nya.

Di napigilan ni Mang Domeng at tuluyan na nga syang napaluha.

"Ako dapat ang magsorry sa inyo. Sorry Ma,  sorry mga anak ko, sorry kung hindi ako naniwala sa inyo, sorry kung hindi ako sumuporta sa mga ginawa nyo. Wala kayong intensyon na masama ngunit ako itong mapride at sarili lang ang inisip. Sorry." tuloy tuloy ang luhang pumapatak sa mga mata ni Mang Domeng. Agad namang lumapit ang kanyang asawa at anak upang damayan at yakapin sya.

"Okay lang Pa, nauunawaan ka namin at napatawad ka na namin" sabi ni Aling Cely.

"Sorry sorry talaga. Pangako tutulungan ko na kayo, susuportahan ko na ang mga gawin nyo. Yung makukuha kong separation pay ipapambili natin ng tricycle para madali na sa inyo magdeliver tapos gagawin natin negosyo ang iba. Sorry talaga. Mahal na mahal ko kayo. Higit sa lahat kayo ang yaman ko"

"Okay lang, Pa kakayanin natin ito. Basta magkakasama tayo, malalagpasan natin lahat. Salamat kasi nagtiwala kana. Pagtutulungan natin ito." tugon naman ni Aling Cely. 

Comments