Sa kanto sa Brgy. Kamias dun matatagpuan ang bahay ni Aling Julie.
Dahil sa pandemya napilitan si Aling Julie na gamitin ang natitira nyang pera bilang pamuhunan sa bagong business nila. Nagtayo siya ng isang maliit na palengke sa harap ng bahay nila. Nagtitinda sya ng prutas, gulay, manok at baboy. Katulong nya rito ang asawa nya na kauuwi lang galing abroad at ang kanyang anak.
"Hi! Julie" sabi nang dumaan na kumare at kapitbahay nyang si Aling Marta.
"Hi Marta oh baka napapaibig ka ng mansanas oh mura lang."
"Aba, Julie sinesalestalk mo na rin ako ah. Sabi ko naman kasi sayo wag ka na maggaganyan, masisira lang mga paninda mo kasi wala rin namang nabili, no offense, real talk lang ha. Malaki naman ang naipon ni pare yun na lang dapat ginawa nyo panggastos araw-araw. Di ka pa pagod." Lumapit pa sya kay Aling Julie at bumulong. "Tsaka nakakahiya kaya."
"Hindi naman masamang sumugal eh. Mas mahirap pag wala akong ginawa. Tsaka walang nakakahiya dito, marangal na trabaho ito."
Maya-maya pa lumabas ang anak na babae ni Aling Julie na si Anika para tumulong sa pagbebenta.
"Oh, eto na ba si Anika, yung inaanak ko. Ang gandang bata."
Tumango lang si Aling Julie.
Nagbless naman si Anika sa ninang nya.
"Graduate ka na? anong course mo?"
"BSBA po."
"Ayan mare, may graduate ka na pala wag ka na maggaganyan. Papagtrabahuhin mo na, malaki naman na eh."
"Hirap po kasi ako maghanap ng work ngayon eh lalo na at pandemya."
"Ay buti pa yung panganay ko ayun work from home lang, asa bahay lang kumikita na, walang hirap" pagyayabang ni Aling Marta.
"Oh, sya sige na una ako baka dumating na yung food na pinadeliver ko eh. Next time na lang ako bibili sa iyo.
Hindi nagpaapekto si Aling Julie sa mga pangungutya at sinasabi ni Aling Marta.Nasanay na sya sa ganung asta at pananalita sa kanya kahit pa magkumare sila. Di na lingid sa kaalaman ng lahat sa kanilang baranggay ang ganung ugali ni Aling Marta. Ika nga eh nasanay na sila.
Nagpatuloy na lang si Aling Julie sa kanyang gawain at sa pagtitinda. Lumawak pa ang kanilang pagbebenta kasi pati sa online inalok na rin nya yung mga paninda nya at with free delivery pa upang di na mahirapan ang mga costumer nya. Pinagtulungan nilang mag-anak ang pagpapalago sa kanilang business. Nagkaroon ito ng pwesto mismo sa harap ng bahay nila. Lumaki ang kita at mas dumami pa ang paninda nila. May ilan rin silang naging reseller kung saan sila na ang nagdedeliver ng mga gulay sa mga ito.Gumanda at naging stable ang buhay nina Aling Julie dahil sa sipag at tiyaga nilang mag-anak.
Sa kabilang banda, si Aling Marta na dating sagana ay unti-unti nang nawalan. Ang ipon nilang mag-asawa ay hindi nagamit sa tama at naubos sa pagchecheck-out sa Lazada at Shopee. Kahit may pandemya ay madalas pa rin syang gumala at lumabas kung kaya unti-unting naubos ang kanilang pera. Ang panganay na anak nya na kanila lamang inaasahan ay nawalan rin ng trabaho dahil sa pandemya. Napabalita pa na may pagkakautang din ang pamilya nito.
Dahil sa naging masagana at mayabong ang naging buhay ni Aling Julie kaya naman nais nya itong ibahagi sa iba. Kung kaya't sa bawat pagbili sa kanya ng kanyang mga suki ay makakatanggap ito ng munting ayuda mula sa kanya bilang tulong na rin lalo na at may kinakaharap na pandemya ang lahat.
Nabalitaan ito ni Aling Marta kung kaya't nagbakasakali sya.
"Hi, Mareng Julie." masiglang bati ni Aling Marta.
Ngumiti lang si Aling Julie. Nakakatawa kasi ngayon na lang muli sya tinawag ni Marta na "mare". Sa isip isip nya, may kailangan ito.
"Ang laki na ng business mo. Sabi ko na nga ba eh lalago ito."
"Oo nga eh." yun na lang ang nasabi nya. Di nya maaalalang sinabi ni Aling Marta yun sapagkat pulos pangungutya ang lumalabas sa bibig nito nung huli silang magkita.
"Nabasa ko kasi sa fb nyo na kapag bumili daw ako sa inyo eh may libreng ayuda, totoo ba?"
"Oo, totoo."
"Ay talaga, mare. Since magkumare tayo... baka naman... "
"Baka naman ano?." Naguguluhang tanong ni Aling Julie.
Tumingin pa sa paligid si Aling Marta at sinigurado na walang tao sa paligid. Lumapit pa sya kay Aling Julie at bumulong
"Mapapagbigyan mo ako, pahingi naman nung konting ayuda."
"Ah eh mare, binibigay ko lang naman kasi yun pag may binili sa amin, freebies lang kumbaga yun."
"Ay magkumare naman tayo ang damot mo naman." Busangot na sabi ni Aling Marta.
"Hindi naman sa ganun, mare. Pili lang kasi binibigyan ko nun."
"So namimili ka na? Para namang hindi tayo magkakilala. Ang yabang mo naman lumago lang business mo, yumabang ka na! ay iba!"
Nagpanting ang tenga ni Aling Julie sa sinabi ni Aling Marta. Napalakas na rin ang boses nya.
"Teka nga lang, diba ikaw itong may kailangan, ikaw tong nanghihingi, bat ikaw pa ang galit? Tsaka wala kang karapatang sabihin na mayabang ako kasi never akong naging katulad mo!"
Medyo dumadami na ang tao sa tindahan kaya rinig na ng ibang costumer ang kanilang komprontasyon.
"HA!? Ako manghihingi sayo? No way! Nagkanegosyo ka lang ang yabang mo na. Haysss nagbabago talaga ang mga tao."
"Oo nagbago ako, hindi ko na hahayaang apak-apakan mo ang pagkatao ko. Tsaka alam ng lahat ng tao dito kung sinong mas mayabang sa ating dalawa.Wag ako."
"Tse, makaalis na nga. Walang kwenta kausap mga tao dito." sabi ni Aling Marta at tuluyan na itong nagwalk-out.
Lumipas ang maghapon mula ng komprontasyon na yun and as usual naging masagana at malakas ang kita ng business nila ngayong araw. Maggagabi na at magsasarado na sila ng biglang dumaan si Princess, ang panganay na anak ni Aling Marta mukhang malungkot.
"Oh, Princess, gabi na, san ka galing?
"Hi! Aling Julie dyan lang po kay na Tyang Gloria."
Napaisip si Aling Julie kasi mortal na
kaaway yun ni Aling Marta.
"Ah, eh dumilihensya po. Mangungutang sana kay tyang kaso di naman po kami pautangin kasi magkaaway daw po sila ni Mama. Ilang araw na po kasi kaming kulang sa pagkain. Dalawang beses lang po kasi kumain tapos malapit na po maubos ang bigas at ulam namin."
"Ah ganun ba, asan ba ang tatay mo? si
Marta anong ginagawa?"
Pinaupo muna ni Aling Julie si Princess para makapagpahinga.
"Si papa po ilang araw na di umuuwi, di ko po alam kung nasaan si Mama po ayun asa bahay lang wala naman po kasing ibang gawin yun kasi may katulong po kami dati pero ngayon wala na. Kaylangan ko na nga pong makapagtrabaho para makatulong sa bahay. Hirap naman po maghanap ng trabaho sa ngayon!"
"Gusto mo, magtrabaho dito? Hindi naman kalakihan ang sahod pero atleast diba may kita ka."
"Talaga po. Salamat po." Nagliwanag ang mukha ni Princess.
Pinabaunan ni Aling Julie si Princess ng ilang gulay at prutas tsaka yung ayuda na kanina pang ginugusto ni Aling Marta. Sinamahan pa nya ito ng isang bibliya.
"Ano po ito?"
"Bible yan iha, basahin mo para may guide ka/ kayo sa buhay, pabasa mo rin sa mama mo baka gusto nya lang. Magbibigay yan ng lakas sa inyo. Basta magtiwala lang kayo."
"Salamat po talaga dito Aling Marta tsaka po sa trabaho na binigay nyo. Malaking tulong po ito sa amin."
"Oo naman, walang anuman. Nga pala sabihin mo sa nanay mo pag hindi ka nya pinayagan na magtrabaho sa akin kamo ay siya ang magtrabaho nang makapagbigay sa inyong magkakapatid."
"Sige po salamat po, salamat din po sa bibliya. Una na po ako."
"Sige ingat ha."
Nagpatuloy na sa pagliligpit si Aling Julie hindi nya alam na nakadungaw pala sa pinto ang kanyang anak mula pa kanina at nakita lahat ang eksena na yun.
"Ma"
"Oh, anak" napatigil sa ginagawa si Aling Julie ng marinig ang kanyang anak.
"Bakit nyo po ginawa yun? Bakit nyo po tinulungan si Princess at pagtratrabahuhin dito? Matapos po lahat ng ginawa ni Aling Marta kanina pati po ang pangungutya sa inyo? Bakit po?
"Halika anak, maupo ka dito." naupo ang mag-ina sa upuan.
"Anak, iba ang magulang sa anak. Maaring nagkamali ang magulang pero walang kasalanan ang anak, gets mo? Iba si Princess, kay Marta hindi natin sila pwedeng tingnan ng iisa dahil lang sa mag-ina sila. Magkaiba sila ng ugali, pananaw at pag-iisip. Kita mo naman di ba napakalaking kaibahan ng ugali nila sa isa't isa napakabait na bata ni princess at nuknukan naman ng sama ng ugali ng ina. Saan kaya nagmana si princess, kidding aside ganun yun anak, nakita ko kay princess na determinado sya na tumulong sa pamilya nya at hanga ako sa kanya don.The least thing I can do is tulungan sya. Kung anuman ang away namin ng nanay nya labas sya dun. Yun ang nais kong ipaintindi sa iyo at dapat maintindihan ng ibang tao. Tsaka naniniwala rin ako na lahat ng masama ay may kakayahan paring maging mabuti diga? Bigyan lang ng chance."
"Ang bait talaga ng nanay ko ang swerte swerte ko." yumakap pa si Anika sa nanay nya.
"Anong kadramahan nyo yang mag-ina? Sali naman si dada."
Dumating ang asawa ni Aling Julie nakita ang moment ng mag-ina at nakisama pa sa kanila.
"Akap adin ako" dumating din yung maliit na bunsong anak ni Aling Julie. Nakabuntot pala sa kanyang ama.
"Oo naman anak, parine ikaw." At nagyakapan silang buong pamilya.
Sobrang saya ni Aling Julie may malago
syang business, malakas na pangagatawan at masaya at buong pamilya, ang kanyang
totoong yaman.
Comments
Post a Comment