Maskara

 

Sa likod ng mga ngiti nya at tawa 

ay isang katauhan na di mo kilala

Isang mapagpanggap na di halata

Pagka't dinadaan nya sa saya ang lahat


Pero pag uwi nya yun na ang totoo

Pagtungtong nya ng kanyang kwarto

Walang dahilan pero sya'y nanlulumo

Malungkot, balisa di alam san patungo


Nalulungkot sya sa di malamang dahilan

Kwinekwestyon ang kanyang katauhan

Hindi sigurado sa mga  nangyayari

Nalulumbay siya at di nya mawari


Siya pala ay isang mapagpanggap 

Na akala mo'y laging nasa alapaap

Yun pala sa loob ay wasak na wasak

Konti na lang siya ay babagsak


Di lang pala sa virus tayo maproprotekta

Nang mask at maskara na binili natin nung una

Pagkat pati emosyon kayang itago

Upang di malaman ng iba ang totoo


Pero kahit gayun ang sitwasyon

Keep going, lang ang mantra nya ngayon

Di papatalo sa lungkot at kabiguan 

Pagkat ang Diyos ang kasangga nya at kaibigan.



Comments